Wednesday, January 8, 2014

Good Morning, Papa P :)

Good Morning, Papa P!

Actually, hapon na.

Pero parang mas masaya kasi yung "Good Morning" kesa "Good Afternoon." Pag "Good Afternoon" kasi parang formality. Yung tipong: buong araw na tayong nakaupo dito at hapon na, kaya, "Good Afternoon."

Parang mas festive pag "Good Morning." It's like you're being welcomed to the day.

Pag binati ka ng "Good Morning," usually yun yung first time in the day na nakita ka nung bumabati sa 'yo. So, yung "Good Morning" niya parang instant "This is the first time I saw you today, I'm happy to see you, and I hope you have a great day."

Pag kumakain ka, tapos binati ka ng "Good Morning" parang "Enjoy your breakfast!" yung sinabi sa yo.

Pag natutulog ka, tapos binati ka ng "Good Morning" parang "Gising ka na. I love you."

Pag nakatunganga ka sa isang tabi, tapos binati ka ng "Good Morning" parang "Wake up! Make this day count."

Pag tumatawid ka, tapos binati ka ng "Good Morning" parang "Ingat ka. And enjoy your day."

Pag kumukunot na yung noo mo, tapos binati ka ng "Good Morning" parang "Smile; it's a bright day."

Pag umuulan at gloomy yung weather, tapos binati ka ng "Good Morning" parang "It's STILL a great day."

Pag malungkot ka, tapos binati ka ng "Good Morning" parang "Cheer up; this day brings hope."

Wala akong ibang alam na kasing involved at uninvolved na pagbati na tulad ng Good Morning. Wala akong ibang alam na greeting na kasing versatile na gaya ng "Good Morning."

So, with all the bright, shiny and hopeful whispers of the well-known greeting...

Good Morning, Papa P! :)



No comments:

Post a Comment