Wednesday, January 15, 2014

May sakit ang makina.

Dear Papa P,

Andito ako sa clinic kasi may ubo ako, at sipon na twing gabi lang dumadating. O kaya pag nakakainom ako ng mainit. The rest of the time, yung sipon ko ay isang malaking pabigat at harang lang sa ilong.

Tuwing gabi din mahiwaga akong nilalagnat na para akong namamanigno dahil nawawala yung lagnat pagdating ng umaga. (Sayang!)

Hindi ako sakitin. Sabi ng ex ko, malamang daw mamatay ako sa malalang sakit dahil hindi gumagana yung antibodies ko. Kaya ex ko na siya ngayon.

Sabi ng boss ko, kung pwede daw wag na ako magpa-schedule ng absence kasi maraming trabaho. Pero sabi ko, ayoko magtiis. Kahit na, siguro kaya ko. Malamang kaya ko. Ayoko magtiis.

Hindi naman kasi kasama sa binayaran sa akin ng kompanya yung pagtitiis ng sakit. In fact, benepisyong bigay ng kompanya sa akin ang sick leave. Na hindi pwedeng maging cash. Kaya gusto ko magpahinga. Dahil wala namang mabuting dulot sa akin ang pagtitiis.

Trabaho namin ang magsalita. Buong bwakananginang walong oras kaming nagsasalita kaya ngayong masakit ang lalamunan ko, ayokong magtrabaho. (Nahulaan mo na ba trabaho ko, Papa P?)

Ayos naman si boss. Mabait nga siya at matalino. Pero pagod na kasi ako. Hindi naman naiibsan ng kabaitan ni boss ang sakit ng lalamunan ko. Kaya ayoko paawat.

Pero nagi-guilty ako na hindi ako papasok. Kaso... naiisip ko, bakit ako magi-guilty? E nagkataon lang na ngayon pa ako nagkaubo.

Siguro nagi-guilty ako kasi masaya ako na ngayon ako nagkaubo at sinasamantala ko ang pagkakataon para hindi magtrabaho - kahit kaya ko naman tiisin.

Bakit kasi ganito no? Meron tayong mentality na kelangan natin tiisin yung sakit at magtrabaho kahit na masama ang pakiramdam natin. Superhero tendencies.

O siguro nagi-guilty ako kasi may sasalo nung trabahong maiiwan ko? Pero syempre, dinedebate ng utak ko yung puso ko. Kung may nagkasakit na iba, wala silang pake kung saluhin mo yung trabaho nila. This IS NOT about teamwork. Ang "take one for the team" ay ginagamit sa team who will take one for you. Kung magpapaka-superhero ka, gano ka kasiguradong may sasagip sa yo?

Wala na lang utangan ng loob. Magkakaron ka lang ng unjust expectations. Pero wag ka lang pabigat at magpa-schedule ka.

Hmm.. tatapon ko na nga yung guilt!

Ito ang advantage ng pagtatrabaho sa korporasyon kung san tinuturing kang makina, walang guilt! Yung trabaho mo, pwedeng gawin ng iba. Bawat minuto mo, binibilang. Wala silang pake kahit pagod ka na, kasi bayad ka naman.

Sa ganitong trabaho, dapat kabisado mo yung karapatan at benepisyo mo para gamitin mo kapag pagod ka na.

Hindi mo kelangan gamitin ang konsensya.

Kasi... wala naman konsensya ang makina, Papa P.

No comments:

Post a Comment